NOTORIOUS DRUG PUSHER SA DIGOS CITY, HULI SA OPERASYON NG PDEA, PULIS
NOTORIOUS DRUG PUSHER SA DIGOS CITY, HULI SA OPERASYON NG PDEA, PULIS
Arestado ang isang umano’y kilalang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Davao del Sur Provincial Office ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11 (PDEA RO11), katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Davao del Sur Police Provincial Office, sa Purok Talakitok, Barangay Dawis, Digos City, Davao del Sur, nitong Agosto 28, 2026, alas-3:03 ng hapon.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jul,” 46 anyos, na naaresto matapos umanong magbenta ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱7,000 sa isang PDEA operative na nagpanggap na poseur-buyer.

Narekober din sa operasyon ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na magkakaiba ang laki at may kabuuang tinatayang timbang na 25 gramo.

Tinatayang nasa ₱170,000 ang standard drug price ng mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga.

Nakuha rin ng mga awtoridad ang marked money na ginamit sa buy-bust operation at iba pang non-drug evidence.

Mahaharap ang suspek sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended.

📺 PDEA 11

What's your reaction?

Facebook Conversations