Na-retrieve na Chinese softshell turtle sa Quezon City nasa pangangalaga na ng DENR
Na-retrieve na Chinese softshell turtle sa Quezon City nasa pangangalaga na ng DENR
Na-retrieve ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Metropolitan Environmental Office-East (MEO-East) ang isang Chinese softshell turtle (π˜—π˜¦π˜­π˜°π˜₯π˜ͺ𝘴𝘀𝘢𝘴 𝘴π˜ͺ𝘯𝘦𝘯𝘴π˜ͺ𝘴) mula sa Barangay Sauyo, Quezon City.

Na-retrieve ang nasabing pagong matapos iniulat ng isang netizen sa pamamagitan ng official Facebook Page ng DENR-National Capital Region (NCR).

Agad naman itong dinala sa Wildlife Rescue Center sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City para sa pangangalaga at kustodiya.

Ayon sa DENR, ang mga Chinese softshell turtles ay itinuturing na invasive alien species (IAS) sa Pilipinas at itinuturing na mga peste sa karamihan ng mga fishpond sa Central at Southern Luzon.

Sinasabing pagong na ito ay nakikipagkumpitensya sa pagkain at living space ng mga lokal at endemic aquatic species at nagbabanta sa kanilang kaligtasan.

Larawan mula sa DENR

What's your reaction?

Facebook Conversations