DepEd, nanguna sa pagbukas ng face-to-face classes sa isang pribadong paaralan
DepEd, nanguna sa pagbukas ng face-to-face classes sa isang pribadong paaralan
Hinimok ng Department of Education (DepEd 11) ang iba pang mga private learning institutions sa buong rehiyon na gawing basehan ang Faith International Academy of Davao City, Incorporated sa pagpapatupad ng limited face-to-face classes.

Ang nasabing paaralan, ang siyang pinakauna at nag-iisang private school dito  sa lungsod at maging sa Davao Region na binigyang pahintulot ng DepEd na makapagsagawa ng face-to-face classes.

Ayon kay Jenielito Atillo, tagapagsalita ng DepEd 11 na nakapag-comply ng mga kinakailangan requirements ang nasabing paaralan upang maisakatuparan ang layunin nitong makabalik sa aktwal na klase ang kanilang mga mag-aaral.

Sampung mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 ang lumahok sa pilot implementation ng face-to-face classes  ng Faith International Academy, ngayong araw ng Lunes (Nobyembre 29).

Mahigpit na ipinapatupad ng paaralan ang minimum health protocols para sa kanilang mga estudyante, mga guro, at iba pang personahe nito.

PHOTOS: NEWS FORT

What's your reaction?

Facebook Conversations