653
views
views
Hinimok ngayong ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na maging mapanuri sa bibilhin nitong mga produktong pang regalo ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Sa panayam kay DTI Assistant Secretary Ronel Abrenica, sinabi nito na dapat tingnan ang kalidad ng produkto bago ito bibilhin.
Ayon kay Abrenica na malalaman ang kalidad nito sa pamamagitan ng PS Mark o ICC stickers na nakadikit dito.
Dagdag nito madali na ring malaman kung peke ang PS Mark o ICC Stickers na nakadikit sa produkto sa pamamagitan ng isang application scanner na maaring ma-download sa smartphones.
Paalala ni Abrenica na hindi dapat isakripisyo ang kalidad ng produkto na ibibigay dahil lang sa murang presyo. (BY ARMANDO FENEQUITO)
Facebook Conversations