2 opisyal ng NPA, patay sa engkwentro sa Negros Occidental
2 opisyal ng NPA, patay sa engkwentro sa Negros Occidental
Napatay ng mga tropa ng 94th Infantry Battalion ng Philippine Army ang dalawang opisyal ng NPA sa enkwentro sa Sitio Pisok Barangay Buenavista, Himamaylan, Negros Occidental, Huwebes, Agosto 22.

Kinilala ang mga nasawing NPA na sina Joan Lacio Encarnacion, alyas Mark/Covid, ang Vice commanding officer ng Sentro De Grabidad Platoon at Jolina Martinez Sergio, alyas Chloe, na political instructor naman ng grupo.

Nasawi ang dalawang lider komunista matapos ang limang minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga tropa at teroristang grupo, at narekober ng mga tropa sa encounter site ang isang M16 at isang M14 armalite rifle ng kalaban.

Pinuri naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) Commander Lt. General Fernando Reyeg ang mga tropa sa kanilang matagumpay na operasyon.

📷Visayas Command
📸Visayas Command

What's your reaction?

Facebook Conversations