Unang batch ng P1-B kagamitan na donasyon ng China para sa AFP, nasa bansa na
Unang batch ng P1-B kagamitan na donasyon ng China para sa AFP, nasa bansa na
Dumating na sa Pilipinas Biyernes (Enero 21) ang unang batch ng isang bilyong pisong halaga ng kagamitan na donsayon ng bansang China sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinumpirma ni Undersecretary Arsenio Andolong ng Department of National Defense (DND) ang pagdating ng unang batch na nagkakahalaga ng P585 million na binubuo ng rescue and relief equipment, drone systems, detectors, water purification vehicles, ambulances, firetrucks, x-ray machines, EOD robots, bomb disposal suits, at transport vehicles.

Kabilang din sa  dumating ay mga engineering equipment gaya ng backhoes, dumptrucks, forklifts, at earthmovers. 

Sinabi ng opisyal na maaaring sa susunod na buwan pormal na  mai-turnover sa  DND at AFP ang nasabing mga kagamitan.

Nagkakahalaga ng P415 million ang ikalawang batch ng kagamitan na ipapadala ng China  sa Pilipinas sa susunod na mga araw.

Larawan: DND

What's your reaction?

Facebook Conversations