
views
Isang nag-ngangalang Ruel "Bong" Ricafort ang nagtungo sa NBI Anti-Organized and Trans-National Crime Division, sa pamamagitan ng isang kaibigan, upang ipa-abot ang kanyang kagustuhan na kusang sumuko.
Ayon kay NBI officer-in-charge Erick Distor, boluntaryong sumuko si Ricafort sa NBI sa kagustuhang sumalang sa imbestigasyon upang linisin ang kanyang pangalan.
Sa panayam ng media kay Bong Ricafort, sinabi nito na plano niya na sampahan ng reklamo ang taong gumamit sa kanyang pangalan upang gamitin sa pagbabanta sa buhay ni BBM.
Matatandaang nag-viral sa social media noong Enero nitong taon ang tiktok video na kung saan isang Bong Ricafort ang nagbantang i-assasinate ang dating mambabatas at ngayo'y kandidato sa pagka-pangulo.
Sa ibinigay nito na testimonya sa NBI, inamin ni Ricafort na nalaman niya ang ukol sa video na nag-viral sa tiktok na kung saan kanya mismong napanood ito at dito niya nakumpirma na may grupo ang iligal na gumagamit sa kanyang tiktok account.
Lumabas sa video na may plano ito at ang kanya umanong grupo na patayin si BBM, bagay na mariin nitong pinabulaanan.


Facebook Conversations