TESDAMAN, nasungkit ang endorsement ni VP bet Inday Sara Duterte
TESDAMAN, nasungkit ang endorsement ni VP bet Inday Sara Duterte
INENDORSO ni Vice Presidential candidate at Davao City Mayor at Presidential daughter Inday Sara Duterte ang kandidatura ni re-electionist Senator Joel “TESDAMAN” Villanueva ito ay sa kabila ng hindi isinama sa senatorial slate ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos.

Ayon kay Duterte, kabilang si Villanueva sa kanyang mga kaibigang tumatakbo sa Senado na kilala niyang personal at nakita ang kani-kanilang mga track record kabilang ang nagawang mga trabaho.

"Pero meron din po akong mga kaibigang na tumatakbong senador, na kahit may politika man o wala, ay magiging kaibigan ko pa rin sila [tulad ni] Joel Villanueva," ani Duterte sa kanyang talumpati noong Martes ng gabi sa kick-off rally ng UniTeam sa Philippine Arena. 

Sinabi pa ni Duterte na karapat-dapat pa ring makabalik ng Senado si Villanueva dahil sa kanyang nagawa. 

Bagay na agad namang nagpapasalamat si  Villanueva  sa  suporta at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng anak ng Pangulo.

Nauna dito ay nagpahayag ng  suportado si Vice Presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III  sa kandidatura ni Villanueva. 

Tinukoy ni Sotto na si Villanueava ay mayroong malinaw na programa para magkaroon ng trabaho at kabuhayan ang bawat mamamayang Filipino. 

Magugunitang bago pa man ang pagsisimula ng kampanya ay kasama si Villanueva sa mga senatorial line up ng tambalang Lacson-Sotto, Robredo-Pangilinan, Pacquiao-Atienza at Moreno-Ong. 

Ngunit sa kick off proclamation rally ng mga nabanggit na tambalan ay walang dinaluhan na kahit isa man si Tesdaman bilang pagbibigay galang at respeto sa bawat bukod sa mayroon siyang naunang importanteng imbistasyon. 

Ngunit nasagawa naman si Villanueva ng kanyang kick off  campaign sa pamamagitan ng social media na dinaluhan ng mga supporter mula sa ibat-ibang panig Pilipinas at ng buong mundo. 

At dito ay inihayag ni Villanueva ang kanyang nagging trabaho sa senado at tiniyak sa publiko na muling magtatrabaho siya bilang empleyado ng senado sa sandalling mahalal. 

Layon ni Villanueva na sa kanyang pagbabalik sa Senado ay muling makapagbigay ng kabuhayan, training at magandang trabaho para sa lahat ng mamamayang Filipino.

What's your reaction?

Facebook Conversations