
254
views
views
Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) kung sino ang may-ari ng Tik-Tok account na nagbanta sa buhay ni Presidential candidate Bong Bong Marcos.
Ito ang iniulat ni PNP Chief General Dionardo Carlos sa isang press conference sa Camp Crame ngayong umaga (Pebrero 7).
Sinabi ng opisyal, hindi muna nila ilalabas ang pangalan ng nasabing indibidwal dahil nagpapatuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon.
Ayon kay Carlos, sa ngayon ay kinukumpleto pa nila ang ebidensya para sa pagsasampa ng kaso at paglalabas ng warrant of arrest laban dito.
Maliban kay Marcos, ayon kay Carlos, wala pa silang natatanggap na ulat mula sa iba pang mga kandidato ukol sa sinasabing banta sa kanilang buhay.

Facebook Conversations