No Bakuna, No labas policy posibleng ipapatupad sa buong bansa
No Bakuna, No labas policy posibleng ipapatupad sa buong bansa
Ipinaalam na ni Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon kay Pangulong Rodrigo Duterte na napagkasunduan ng ilang mga ahensya ng pamahalaan na i- adopt ang No Bakuna, No Labas policy na pinagtibay ng Metro Manila Council.

Sinabi ni Dizon sa Talk to the People ni Pangulong Duterte kagabi (Enero 4), nagkasundo ang Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), at Departmebt of National Defense (DND) na magkaruon ng rekomendasyon para maipatupa na din ang naturang polisiya sa buong bansa.

Ayon sa kalihim, kabilang  dito ay  ang mga lugar na hindi naman nakikitaan ng pagtaas ng kaso sa COVID-19.

Batay sa ginawang report ni Dizon kay Pangulong Duterte, inihalimbawa nito ang ilang mga bansa na nagpapatupad ng ibat- ibang polisiya para sa kanilang mamamayan na di pa bakunado.

Anya, sa France posibleng magsagawa ito ng crackdown sa kanilang mga kababayan na unvaccinated habang sa Germany naman pinaplano ng kanilang mga lider  na gawin ng cumpolsary ang pagbabakuna.

Nanindigan si Dizon na kailangang magsagawa ang pamahalaan ng istriktong hakbang upang mai- restrict ang mga indibidwal na hindi bakunado para sa kanilang proteksiyon  sa gitna ito ng naitalang kaso ng Omicron variant, na anya mas mabilis ang pagkalat.

File Photo of Armando Fenequito

What's your reaction?

Facebook Conversations