Nasa ligtas na kalagayan ang higit 250 OFWs sa Ukraine:DFA
Nasa ligtas na kalagayan ang higit 250 OFWs sa Ukraine:DFA
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na mula sa panganib ang mahigit 250 Pilipinong nasa Ukraine.

Sinabi ni  DFA  Undersecretary Sarah Lou Arriola, 259 ang nailikas na sa Ukraine kung saan 169 dito ang nasa iba't ibang ligtas na borders habang siyamnapu ang na-repatriate.

Ayon sa kanya, 55 sa mga napauwing Pinoy ay mga seafarers.

Inamin ni Arriola na nahihirapan silang ilikas ang mga seafarers partikular ang mga na-stranded sa Black Sea dahil hindi aniya makaalis ng barko ang mga ito dahil sa matinding bakbakan kaya ang tanging nagagawa nila ay magtago.y

Gayunman, tiniyak ng opisyal na patuloy ang kanilang monitoring ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa bilang ng mga stranded sa barko at nakikipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa mga embahada at konsulada sa Ukraine at karatig-lugar.

What's your reaction?

Facebook Conversations