views
Ito ang sinabi ng acting Presidential Spokesman Martin Andanar na kung saan ayon sa kanya, naipaliwanag na sa Pangulo ang magiging benepisyo ng naturang mungkahi na ang layunin makatipid sa oras, pagkain, pamasahe at iba pa ang mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pag-arangkada sa presyo ng mga prime commodities.
Anya, lahat ng suhestiyon ay pinakikinggan ng Pangulo at bukas ang Punong Ehekutibo sa lahat ng rekomendasyon na manggagaling sa kanyang gabinete kabilang na ang economic team gayundin maging mula sa mga dalubhasa, mambabatas at mga ekonomista.
Ayon kay Andanar, nagsalita na noon pa man ang Pangulo na kung anoman ang magiging desisyon ng economic cluster ay iyon ang magiging polisiya ng pamahalaan gayung ito naman ang kanilang forte.
Nauna ng inirekomenda ng economic team na hindi suspendihin ang excise tax na siya namang inaprubahan ng Punong Ehekutibo.
Facebook Conversations