views
Ang pagpapatupad ng programa,ay alinsunod sa itinatadhana ng Republic Act 11639 o Special Provision No. 20 ng General Appropriations Act para ngayong taong 2022 .
Ang nasabing fuel subsidy program, ayon kay Dar ay pinondohan ng P500 million na magbibigay benepisyo sa mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi ng kalihim na malaking tulong ito sa mga magsasaka at ma ginbisda para mabawasan ang production at transport costs ng kanilang pangunahing farm at fishery products at mapababa ang presyo sa merkado.
Samantala , ayon naman kay DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan,kailangang nakarehistro sa DA's Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at BFAR's fisherfolk registry system ang mga qualified beneficiaries ng nabanggit na fuel subsidy program.
Facebook Conversations