498
views
views
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa 329 Pilipino ang nakauwi ng Pilipinas mula sa bansang Ukraine.
Ayon sa DFA, 41 Pinoy ang kasalukuyang nasa safe borders at naghihintay ng repatriation.
Ang pinakahuling batch ng dumating sa Pilipinas ay 19 na seafarers ng Chariana L.
Batay sa tala ng DFA, mayroon ng kabuuang 370 Filipinos ang nailikas na sa Ukraine mula nang sumiklab ang giyera noong Pebrero sa pagitan ng Russia.
Matatandaan na iniutos ng ahensya na itaas sa alert level 4 ang naturang bansa na nangangahulugan ng mandatory evacuation sa lahat ng Pilipino.
Kinumpirma ng DFA na mayoriya sa mga kababayang Pinoy na inilikas sa Ukraine ay dinala sa pinakamalapit at ligtas na borders tulad ng Poland, Moldova, Romania, Austria, at Hungary.
Facebook Conversations