Mahigit 100,000 foreign tourist arrivals, naitala ng Pilipinas sa loob ng isang buwan
Mahigit 100,000 foreign tourist arrivals, naitala ng Pilipinas sa loob ng isang buwan
Ibinida ng Department of Tourism (DOT) ang 102,031 foreign tourists na bumisita sa bansang Pilipinas mula nang buksan ang borders noong Pebrero 10.

Sa datos mula sa One Health Pass, nangunguna ang Estados Unidos sa contributors na may 22,243 visitor arrivals.

Sinundan ito ng Canada na may 4,852, United Kingdom na may 4,386, South Korea 3,748 habang ang ibang foreign tourist arrivals  ay nanggaling sa Australia, Vietnam, Germany, at Japan.

Nagpabatid naman  ng kanyang kasiyahan ang kalihim ng DOT Bernadette Romulo-Puyat  sa resulta ng reopening na sumasalamin sa muling pagsigla ng sektor lalo na sa turismo.

Nagpapakita lamang ito  na marami ng mga Pilipino ang nabigyan ng trabaho at hanapbuhay sa tourism industry.

Iniulat ni Puyat na ang pagdagsa ng mga dayuhan sa bansa ay dulot ng ipinatupad na mas maluwag na entry protocols para sa fully vaccinated leisure travelers mula sa visa-free countries at suspensyon ng classification system.

Naniniwala si Puyat na patuloy pang dadami ang mga bibisita sa bansa habang patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 at bumubuti ang healthcare capacity.

Larawan mula sa Google

What's your reaction?

Facebook Conversations