Kapulisan, naka-alerto laban sa 3 nakatakas na preso ng NBP
Kapulisan, naka-alerto laban sa 3 nakatakas na preso ng NBP
Naka-alerto ang lahat ng units ng Pambansang kapulisan upang tumulong sa Bureau of Corrections (BuCor) sa paghuli ng tatlong preso na nakatakas sa New Bilibid Prison (NBP) kaninang madaling araw (Enero 17).

Ayon sa tagapagsalita  ng Philippine National Police (PNP) Colonel Roderick Augustus Alba, naglabas na ng all-Points bulletin ang kapulisan sa lahat ng PNP Units sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan para sa pagdakip sa mga pugante. 

Kinilala ang mga ito na sina Drakilou Yosores na nakulong dahil Roberry with Homicide; Arwin Bio, kombiktado sa Frustrated Murder; at Pacific Villaruz, convicted para sa Frustrated Homicide, Attempted Homicide at Illegal Drug use.

Ayon kay Alba, maaaring arestuhin ang tatlo  kahit na walang warrant of arrest kung sila ay makita. Ito ay dahil nagsisilbi ma sila ng kanilang sentensya.

Kinokonsidera ng PNP ang mga puganteng ito na “Armed and dangerous”.

Nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na i-report  kung kanilang mamataan ang mga ito, sa BUCOR sa teleponong 09186001081 o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Una nang sinabi ni BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, tatlong jail guards at isang inmate ang sugatan matapos mamaril ang mga suspek habang tumatakas.

Larawan: PNP

What's your reaction?

Facebook Conversations