Ilocos Region, isa nang NPA insurgency free
Ilocos Region, isa nang NPA insurgency free
Ideneklara na ang rehiyon sa Ilocos bilang kauna-unahang rehiyon sa buong bansa na insurgency free.

Ito ay matapos lagdaan kamakalawa ng Joint Regional Development Council 1 (RDC), Regional Peace and Order Council 1 (RPOC), at Regional Task Force- Ending Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), ang Resolution No. 1 Series of 2022 na nagdeklara ng “State of Stable Internal Peace and Security” sa Region 1. 

Ang signing Ceremony na isinagawa kahapon (Pebrero 24) sa EM Royalle Hotel & Beach Resort sa San Juan, La Union ay dinaluhan ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant  General Ernesto Torres Jr, kasama sina National Security Adviser Secretary Hermogenes C. Esperon, Jr, Chairperson, RTF-ELCAC; La Union Governor Francisco Emmanuel ‘Pacoy’ Ortega III, Chairperson, RPOC; Vigan City Mayor Juan Carlo S. Medina, Chairperson, RDC; at mga lokal na opisyal. 

Nangako si Torres na sa pagtatapos ng insurhensya sa Ilocos Region, gagawin ng NOLCOM ang lahat para wakasan na ang aktibidad ng mga teroristang komunista sa iba pang rehiyon sa kanilang area of responsibility. 

Nauna nang  inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan na ang kilusang komunista sa buong bansa bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo nitong taong kasalukuyan.

Larawan: Northern Luzon Command

What's your reaction?

Facebook Conversations