views
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hindi pa rin available ang mga transmission line facilities na nag-susupply ng kuryente sa buong Northern Samar,Samar, Southern Samar,Eastern Samar, Leyte,Southern Leyte, Biliran, at Bohol.
Ayon sa NGCP, may mga lalawigan na rin namang partially nagkaroon na ng suplay ng kuryente, kabilang ang Antique, Iloilo,Negros Oriental, at Cebu.
Samantala, bagsak pa rin ang suplay ng kuryente sa buong Surigao del Norte.
Habang bahagya nang naibalik ang suplay ng elektrisidad sa Surigao del Sur,Agusan del Norte,Agusan del Sur,Davao Oriental, Misamis Oriental, at Lanao del Norte.
Sinabi ng NGCP,mayroon pang 28 138kV lines ang hindi pa available kabilang ang 350kV HVDC Line at pitong 230kV lines na bagsak pa rin ang operasyon.
Larawan: 4th Infantry Division
Facebook Conversations