Eroplano ng PAL ,sumadsad sa runway ng Mactan Cebu International Airport
Eroplano ng PAL ,sumadsad sa runway ng Mactan Cebu International Airport
Isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) ang sumadsad sa runway ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) pasadao alas 11 ng umaga ngayong Biyernes (Disyembre 10).

Kinumpirma ng tagapagsalita nh MCIA Mary Ann Dimabayao, na ligtas naman ang lahat na 34 na pasahero at crew ng PAL Flight PR236. 

Lumapag ito kaninang 11:40 ng umaga mula Caticlan Airport ng sumadsad ito palabas ng runway at napunta sa madamong bahagi nito. 

Nagresulta sa pagka-antala  ang nasa di bababa sa 30 mga flights palabas at papasok ng MCIA.

Muling binuksan ang runway pagkalipas ng mahigit tatlong oras.

Larawan: Wikimedia Commons

What's your reaction?

Facebook Conversations