DOH, hindi na maglalabas ng COVID-19 report simula Enero 2022
DOH, hindi  na maglalabas ng COVID-19 report simula Enero 2022
Inanunsyo na ng Department of Health (DOH) na simula Enero 1, 2022 ay hindi na sila maglalabas ng daily COVID-19 Bulletin at situation report.

Ito ang sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ayon sa kanya ay hanggang Disyembre 31 nitong taon na lang  ang araw-araw na pagpo-post o paglalabas nila ng daily case bulletin at COVID-19 situation report  kada alas-4 ng hapon.

Lahad pa ng opisyal, simula sa Enero, kung gugustuhin ng publiko  na makita ang huling tala o lahat ng datos kaugnay sa COVID- 19, maaring bumisita lamang ito sa COVID-19 public tracker ng DOH  sa DOH.gov.ph/covid-19 Tracker.

Napag-alaman na ang naturang public tracker ay operational na mula ng magsimula ang pandemya, na kung saan naglalaman ito ng lahat ng impormasyon na ibinibigay sa case bulletin.

Layunin ng hakbang na ito ay upang ma-stream-line ang komunikasyon sa publiko, at hindi na ilalabas bilang hiwalay na social-media card at PDF files.

Gayunpaman, tiniyak  ng ahensya na magpapatuloy ang DOH sa pagbibigay ng pinaka-huling impormasyon  ukol sa sitwasyon ng COVID- 19 sa buong bansa.

What's your reaction?

Facebook Conversations