
views
Ito ang naging hakbang ng nasabing mga ahensiya dahil sa naging epekto ng COVID-19 pandemic kung saan naging talamak ang pag-inom ng mga antimicrobial drugs na hindi dumaan sa tamang gabay ng lisensyadong manggagamot.
Sa isinagawang Philippine Antimicrobial Awareness Week 2022 kamakailan, pumirma sa Pledge of Commitment sina Health Officer in Charge at Undersecretary Maria Rosario Vergere, mga kinatawan ng WHO at mga doktor at nangakong sama-samang titindig sa Anti-Microbial Resistance.
Nakiusap si Vergere sa lahat ng ahensya ng pamahalaan at mga stakeholders na tulungan ang DOH sa kampanya kontra antimicrobial resistance.
Aniya, malaking banta sa kalusugan ng tao ang paggamit ng mga antibiotics na walang tamang gabay ng doktor.
Isa sa naging talamak na pag-inom ng mga antibiotics ay mga gamot sa hayop na ininom na rin ng tao para labanan ang COVID-19.
Nais ng DOH na tuldukan ang ganitong gawain kung saan dapat umanong palakasin ang medical services ng bansa.
Matatandaang bumuo ang gobyerno ng Inter-Agency Committee on Antimicrobial Resistance taong 2014 para labanan ang antimicrobial resistance ngunit kailangan umano ng mas masusing pagpapatupad nito.
Samantala, isang panukalang batas ang nakabinbin sa Kongreso naglilipat sa Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng prescription ng mga gamot sa hayop para mabantayan ang isyu ng antimicrobial sa hayop.
Dahil dito, umaasa ang Food and Drugs Administration (FDA) na aaksyunan na ng Kongreso ang nasabing panukalang batas.

Facebook Conversations