Davao City Anti-Discrimination Ordinance planong amyendahan para sa mga sumukong NPA
Davao City Anti-Discrimination Ordinance  planong amyendahan para sa mga sumukong NPA
Plano ngayong amyendahan ni Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte ang Anti-Discrimination Ordinance para magbigay daan sa pagbabagong buhay ng mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagbalik loob na sa gobyerno.

Ito ang binitawang pahayag ng bise alkalde sa isang seremonya kasama ang 78 na miyembro ng Sub-Regional Committee 5 ng NPA na kumikilos sa bulubunduking bahagi ng Davao City at karatig lugar nito.

Ayon kay Duterte na kakausapin niya ang konseho para idagdag sa nasabing ordinansa na hindi dapat ma-discriminate ang mga dating armado na gusto ng mabuhay ng matiwasay.

Sinabi ng opisyal na gusto lang nito na hindi makukutya ang mga nagbalik loob na dating armado kung nagtatrabaho na ito o di kayay sa kani-kanilang komunidad.

Nangako naman si Duterte na magpapatuloy ang tulong na ibibigay ng pamahalaang lokal hanggang makabalik na ito sa normal na pamumuhay.

What's your reaction?

Facebook Conversations