595
views
views
Siniguro ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) James Jimenez na hindi nila papayagan na may mangyaring siraan sa pagitan ng mga kandidato na lalahok sa ikinakasang presidential debates nito.
Ayon kay Jimenez, mahigpit na ipagbabawal ang pag-hamon at pamamahiya ng isang kandidato sa kapwa kandidato sa isasagawang debate.
Anya, magiging single moderator din ang format ng presidential debates kaya’t siguradong hindi magbabanggan ang isang kandidato sa kalaban nito.
Umaasa rin ito na dadalo ang lahat ng kandidato na kanilang iimbitahan sa magaganap na debate.
Patunay umano nito ay kanilang palalagdain ng kontrata bilang commitment ang mga dadalo sa debate.
Unang itinakda ng Comelec ang presidential at vice presidential debates sa Marso 5 at 6.
Facebook Conversations