7-M katao, target na mabakunahan sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan
7-M katao, target na mabakunahan sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan
Inaasahan na aabot sa pitong- milyong katao ang target na mabakunahan kontra COVID-19 sa 2nd-round ng Bayanihan Bakunahan sa December 15 hanggang 17.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tututukan ng gobyerno ang mga  Rehiyon na may mababang antas ng bakunahan.

Kabilang sa mga rehiyon na may mababang rollout ng bakunahan ay ang mga lugar na nasa Region-3, 4-A, Regions 6 at 7 gayundin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Muling umapela ang DOH  sa mga kwalipikadong indibidwal na mag-volunteer, para makatulong na mapa-bilis ang pagbabakuna sa buong  bansa ngayong Miyerkules hanggang Biyernes.

What's your reaction?

Facebook Conversations