5,000 tiwaling pulis, sibak sa internal cleansing program ng PNP
5,000 tiwaling pulis, sibak sa internal cleansing program ng PNP
Kinumpirma ng hepe ng Philippine National Police General Dionardo Carlos na mahigit limang libong pulis ang nasibak sa serbisyo mula 2016 hanggang 2021 dahil sa Internal Cleansing program ng pambansang pulisya.

Ito ang inihayag ni Carlos kasabay ng pagtiyak na bukas  ang pamunuan ng PNP sa pagtanggap ng reklamo laban sa mga tiwaling pulis. 

Batay sa rekord ng PNP mula Hulyo 2016 hanggang January 12, 2022 may 37,124 kasong administratibo ang hinahawakan ng PNP internal Affairs Service.

Karamihan aniya sa naturang kaso ay na resolba na habang ang iba naman ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Sa mga naresolbang mga kaso, ayon kay Carlos, mahigit 20,000 pulis ang pinarusahan na karamihan ay humarap sa suspensyon.

Habang limang libong pulis na napatunayang may sala sa mas mabibigat na kaso ang tuluyang sinibak sa serbisyo. 

 Inamin ni Carlos nakakalungkot ito pero kailangang maparusahan ang mga pulis na napatunayang gumawa ng katiwalian para na rin sa kapakanan ng organisasyon.

“It is with deep sadness to know that the PNP is stained with erring cops. These undesirable members of the organization must face the consequences of their actions. But their demeanor must not be construed as a system bloodline. We give appreciation to our principle-minded comrades who continue to advocate for righteousness,” ayon kay Carlos.

What's your reaction?

Facebook Conversations