34,021, bagong kaso ng COVID, naitala ng DOH sa buong bansa ngayong Huwebes,Enero 13
34,021, bagong kaso ng COVID, naitala ng DOH sa buong bansa ngayong Huwebes,Enero 13
Muling nakapagtala ng panibagong record-high ang Department of Health (DOH) sa pinakahuling bilang ng kaso ng COVID-19 ngayong Huwebes (Enero 13).

Ito ay matapos makapagtala ng 34,021 na mga bagong kaso ng birus ngayong araw na mas mataas ng 1,775 sa naitalang 32,246 kahapon, Miyerkoles.

Nalagpasan din nito ang record-high na 33,169 na COVID cases na naitala noong Lunes, Enero 10.

Naitala din ng ahensya  ang pinakamataas na positivity-rate na 47.9% ngayong araw.

Dahil dito umakyat na sa 3,092,409 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng sakit sa buong bansa.

Ang mga aktibong kaso o mga nagpapagaling pa sa sakit ay nai-rehistro sa 237,387

Batay sa datos ng DOH, nasa 4,694 ang recoveries ngayong Huwebes, na nagtulak para umabot  na sa 2,802,286 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa buong bansa.

Samantala, 82 katao di  ang naidagdag sa mga nasawi ngayong araw, mula sa 144 na mga namatay kahapon dahil sa COVID.

Sa buong bansa, umabot na sa 52,736 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw  sanhi ng pandemya.

May pitong laboratoryo pa ang iniulat ng DOH na hindi pa nakapag-sumite ng kanilang datos sa araw na ito.

Nagpapatuloy na bakunahan sa Vicente Hizon Elementary School sa Barangay Pampanga, lungsod ng Davao. Larawan mula sa City Government of Davao FB Page

What's your reaction?

Facebook Conversations