554
views
views
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Martes (Enero 18) ng karagdagang 28,471 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Ang nasabing bilang ay mas mababa ito 8,599 kumpara sa naitala kahapon na 37,070.
Naitala din ng ahensya ang mas mababa na positivity-rate ngayong araw sa 43.4% kumpara sa 46.0% kahapon.
Sa ngayon, umakyat na sa 3, 270, 758 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Pumalo na rin sa 284,458 ang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Habang naitala naman sa 34,892 ang naka-recover ngayong araw sa naturang sakit
Sa pangkalahatan, ay 2,933,338 na ang total recoveries sa buong bansa.
Samantala, nadagdagan ng 34 ngayong Martes ang bilang ng mga namatay mula sa 23 na mga namatay Lunes.
Batay sa tala, umabot na sa kabuuang 52,962 ang nasawi sa buong bansa mula ng magsimula ang pandemya.
Facebook Conversations