
views
Batay sa pahayag ng WHO, unang naitala ang bagong sub-variant na BA.4 at BA.5 sa South-Africa at Europa.
Payo ng WHO Representative to the Philippines Dr. Reyandra Prassad Yadav, dapat manatiling pro-active ang Pilipinas at huwag ng hintaying makapasok ito sa bansa.
Dahil dito, mahalagang mas paigtingin pa ang bakunahan kontra COVID-19 at patuloy na sumunod sa mga health protocol.
Samantala,iminungkahi ng WHO ang pagkakaroon ng sapat na COVID testing sa bansa upang malaman kung may bagong variant of concern sa Pilipinas.
Ayon kay Yadav, dapat ipagpatuloy ang testing at genome sequencing, pero mas mabuting gawing prayoridad sa pagsusuri ang mga health workers at senior-citizens.
Anya, kailangang dumaan sa pagsusuri o testing ang maraming tao, kagaya ng ginagawa sa ibang malalaking bansa.

Facebook Conversations