18 national roads na isinara matapos ang pananalasa ni Odette, binuksan na ng DPWH
18 national roads na isinara matapos ang pananalasa ni Odette, binuksan na ng DPWH
Bukas na sa mga motorista ang 18 national roads na una nang isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa epekto ngbagyong Odette.

Ayon sa DPWH, anim na kalsada na lang ang hindi pa madadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Ito ay kinabibilangan ng dalawang national road sa region7,isa sa region 8, dalawa sa region 10, at isa sa region 13.

Batay sa report ng ahensiya, marami pang bumagsak na punong kahoy, mga poste ng kuryente , debris,mga damaged spillway, landslide at road slip sa nasabing mga daan.

Ang mga kalsada na maari ng daanan ay ang Buenavista- Carmen-Danao-Jetafe Rd. sa Carmen, Bohol at Tagbilaran East Road sa Poblacion, Alicia, Bohol, Abuyog-Silago Road sa Southern Leyte ; Misamis Oriental - Bukidnon - Agusan Road sa Bukidnon; Gingoog - Claveria - Villanueva sa Barangay Samay, Gingoog City at Dinagat-Loreto Road sa Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands.

Sa inisyal na pagtaya ng DPWH, P213.9 Million ang halaga ng pinsala sa mga pangunahing kalsada , mga tulay, at flood-control structures hatid ng nagdaang bagyo.

Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) team ng Philippine Army’s 4th Infantry Division na nakabase sa Cagayan de Oro City. Larawan mula sa 4th ID

What's your reaction?

Facebook Conversations