views
Batay sa datos ng ahensya kaninang umaga, pinakamaraming namatay ay mula sa Bohol na nasa 68; kasunod ang Cebu na nasa 54; at Surigao Del Norte na nasa 21.
17 katao naman ang iniulat na nasawi sa Negros Oriental; tig-4 sa Agusan Del Sur, at Misamis Oriental; tig-2 sa Palawan at Guimaras; habang tig-isa sa Iloilo, Negros Occidental, Bukidnon, Misamis Occidental, at Butuan City.
Mayroon namang 38 ang nawawala at 275 ang sugatan.
Nilinaw ng NDRRMC, na sa bilang ng mga iniulat na nasawi, 11 palang ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo.
Paliwanag ng tagapagsalita NDRRMC Mark Timbal na maaring nahuhuli ang kanilang opisyal na bilang ng nasawi dahil dumadaan ito sa masusing validation process.
Ayon kay Timbal, may problema din aniya sa komunikasyon sa mga lugar na lubhang apektado ng bagyo kaya hindi agad nakapag-bigay ng ulat ang mga lokal na pamahalaan sa mga Local DRRMC, na siyang basehan ng ahensya sa kanilang casualty figures.
Facebook Conversations