
views
Ito ay batay sa consolidated report ng Philippine National Police (PNP) Monitoring Center alas dose ng tanghali kahapon ( Disyembre 19).
Base sa tala ng PNP, pinakamaraming naiulat na namatay ay sa Police Regional Office (PRO) 7 sa Central Visayas na may 172; kasunod ang PRO 6 o sa Western Visayas na may 22; PRO 13 Caraga Region na may 10; PRO 10 o sa Northern Mindanao na may 7; at PRO 9 o Western Mindanao na mag isang iniulat na nasawi.
Habang 124 naman ang sugatan, kung saan 103 ang sa PRO 7; 18 sa PRO 13; at 3 sa PRO 10.
Nakapagtala rin ang PNP ng 43 na nawawala sa PRO 13.
Kasama din sa mga apektado ng bagyo ang 136 PNP personnel sa
PRO4B, PRO7, PRO8, PRO10, PRO13, at PRO Bangsamoro Autonomous Region.
Umabot naman sa 563 katao, kung saan 486 ang sa PRO6; 73 sa PRO 7; at 4 sa PRO 8 ang nailigtas ng kapulisan.

Facebook Conversations