views
Ito ang iniulat ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Acting Commander Major General Andrew Costelo, kasabay ng pagsabi na ito ay pagpapakita ng lubusang suporta sa kampanya ng pamahalaan na wakasan na ang Communist Armed Conflict.
Habang inilahad ni NOLCOM Assistant Chief of Unified Command Staff for Civil-Military Operations, Colonel Alaric Avelino Delos Santos, 23 lalawigan, 29 na syudad, at 394 municipalities na sakop ng operasyon ng NOLCOM ang nagdeklara sa Communist Terrorist Groups bilang persona non-grata.
Anya, mayroon na lamang 326 barangay ang kasalukuyang nasa proseso ng papasa ng kani-kanilang mga kahalintulad na resolusyon.
Ayon naman kay Costelo, ang nabanggit na deklarasyon ng komunidad ay bunga ng malawakang pagsulong ng NOLCOM ng Community Support Program (CSP) katuwang ang mga ibang stakeholders upang ihatid ang serbisyo ng gubyerno sa mga bulnerableng komunidad.
Ipinaliwanag nito na ang CSP, ay isang flagship program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para tugunan ang ugat ng insurhensya sa halip na paggamit lang ng tradisyunal na pwersang militar kontra sa CPP-NPA-NDF.
Larawan: Northern Luzon Command
Facebook Conversations