1-UTAP, hindi sasama sa bantang transport strike bukas, Marso 15
1-UTAP, hindi sasama sa bantang transport strike bukas, Marso 15
Kinumpirma ng 1- United Transport Alliance of the Philippines (1-UTAP) na hindi sila sasama sa ikinasang tigil-pasada ng ilang transport group bukas, Marso 15.

Sinabi ni FEJODAP National Chairman Boy Rebano, isa sa sampung transport group sa ilalim ng 1-UTAP, ang kanilang desisyon sa hindi paglahok sa transport strike , ay alang- alang sa kapakanan ng publiko at ekonomiya na rin ng bansa.

Subalit ayon kay Rebano, nakikiusap sila sa pamahalaan na pakinggan din ang kanilang karaingan.

Ipinaliwanag ng opisyal na hindi lahat ng operators at tsuper ang nakikinabang sa bigay na ayuda ng pamahalaan tulad ng fuel subsidy at iba pang programa ng Department of Transportation (DoTr).

Anya, kuntento na umano sila kung magkaroon  ng pisong dagdag pasahe at hindi na lalabis pa.

Nauna nang nagbanta ng transport strike  ang ilang transport groups dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Contributed Photo

What's your reaction?

Facebook Conversations