Over P6-M, Pamaskong Handog ng Kapuso Bigtime Panalo
Over P6-M, Pamaskong Handog ng Kapuso Bigtime Panalo
Mas masaya at mas kapana-panabik ang Pasko dahil nagbabalik ang Kapuso Bigtime Panalo Season 6 ng GMA Network. Handog ng promo ang pagkakataong manalo ng higit pa sa Php 6 million na papremyo.

 Apat na lucky winners ang mag-uuwi ng grand prize na Php 1,000,000! Bukod pa rito, 10 winners ang makakakuha ng Php 50,000 at 240 winners naman ang may chance na manalo ng Php 3,000!

 Para makasali at magkaroon ng chance manalo, sundin lamang ang easy-to-follow mechanics ng Kapuso Bigtime Panalo.

 Bumili

Bumili at maglagay ng proof-of-purchase ng alinman sa anim na participating products ng Kapuso Bigtime Panalo: Fudgee Barr, Doowee Donut, Bear Brand® Fortified Powdered Milk Drink, Nestea® Iced Tea, Aji-Ginisa® Flavor Seasoning, at Kopiko Blanca.

 Isulat sa isang pirasong papel ang pangalan, edad, kumpletong home address, contact number, at sulat-kamay na lagda. Ilagay ito at ang proof-of-purchase ng napiling participating product sa isang envelope.

 Ipadala

Ihulog lamang ang kumpletong entry sa higit na 700 designated dropboxes nationwide na matatagpuan sa mga piling Mercury Drug branches, Puregold outlets, at GMA Network and Radio stations. 

 Manalo 

May weekly announcement ng winners sa pamamagitan ng Facebook Live sa official GMA Promos Facebook Page. Maaari rin makita ang official list of winners sa Facebook (www.facebook.com/GMAPromos), TikTok (https://www.tiktok.com/@gmapromos), at sa www.gmanetwork.com/GMAPromos. Makikita rin ang kumpletong promo mechanics sa mga official pages na ito. 

 Maaaring sumali sa Kapuso Bigtime Panalo mula November 28, 2026 hanggang February 5, 2027.  OrderCalendars

Per DOH-FDA-CFRR PERMIT NO. 1354 S. 2026

DA-NDA-RELICS PERMIT NO. NDA_SPP_20261026122519

Ruth Palo
Official Verified Account

What's your reaction?

Facebook Conversations