Musikang Pinoy, maririnig na sa mga inbound international flights, tourist buses matapos aprubahan sa kamara ang batas ukol dito
Musikang Pinoy, maririnig na sa mga inbound international flights, tourist buses matapos aprubahan sa kamara ang batas ukol dito
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas na mag-oobliga sa mga hotels, resorts, restaurants, tourist buses, at lahat ng international flights papasok ng Pilipinas na magpatugtog ng musikang pinoy.

Nakasaad sa ilalim ng House Bill 10305 o ang mandatory na pagpapatugtog ng Philippine music sa mga nasabing establisyimento at mga international inbound flights, obligadong magpatugtog ng 50% Pinoy "playlist" habang 25% naman sa mga hotels, resorts at restaurants. 

Layunin ng panukalang ito na maipakita ang "native culture" sa pamamagitan ng musikang Pilipino, anuman ang musical composition, ito man ay instrumental, may liriko (Filipino, English o ibang dayalekto), basta't ito ay nilikha, isinulat at ang areglo ay inilatag ng Pilipino. 

Kung sakaling maging ganaap na batas ito, mahaharap sa multang P300,000 ang mga airline companies na bigong makasunod habang 

P50,000 naman sa kada paglabag ng mga bus operators, at P20,000 na multa sa bawat paglabag ng mga hotels, restaurants, at maging resorts.

What's your reaction?

Facebook Conversations