views
Batay sa panukalang batas o ang house bill 14 o Act Requiring the Registration of Subscriber Identity Module Cards, minamandato nito ang sambayanan na irihistro ang kanilang mga sim cards bago ito iactivate at gamitin.
Nasa pangalawang pagbasa na sa plenaryo ng mababang kapulungan ang nasabing panukala.
Nakasaad din sa panukala ang pagbibigay ng 180 days ang mga meron nang simcards para iparehistro ang kanilang gamit na numero upang maiwasan na madeactivate ito.
Layunin umano ng hakbang ni Acidre na mapigilan ang pagkalat ng mga cyber crimes.
Ayon sa kanya, napagiiwanan na ang Pilipinas dahi base sa pag-aaral ng GSM association, nasa 157 bansa na ang nagpapatupad ng mandatory sim card registration, kabilang dito ang mga bansang Norway, Uruguay, Japan, Switzerland, Australia, Germany, Italy, France, South Korea, and Brazil.
Nanawagan ng suporta sa kapwa mambabatas si Acidre na paboran ang nasabing batas na poprotekta sa mga Pilipino laban sa mga ripoffs, cybercrimes at fake news.
Maliban kay Acidre, ang House Bill No. 14 ay iniakda din nila House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Partylist Representatives Yedda Marie Romualdez and Jude Acidre, at Ilocos Representative Ferdinand Alexander Marcos.
Facebook Conversations