"Mag-iisang taon na wala pa ring na nanagot" - VP Sara
"Mag-iisang taon na wala pa ring na nanagot" - VP Sara
Dismayado si Vice President Sara Duterte dahil hanggang ngayon Mag-isang taon na mula ng sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos ang tungkol sa iregularidad sa flood control projects.

Sa panayam ng media sa besi presidente nitong Miyerkules ng hapon (Marso 11) sa Davao City, Inihayag nito ang kanyang saloobin sa kawalang imbestigasyon na nagaganap partikular na sa rebelasyon ng 18-ex marines tungkol sa male-maletang pera na "deliveries" para sa ilang opisyal ng pamahalaan kabilang na ang palasyo. 

"Hanggang ngayon wala pa ring nanagot sa flood control scandal, sa 2023, 2024, at 2025 budget. Mag-isang taon na tong corruption scandal  na to walang nanagot, walang sensiridad ang administrasyon na imbestigahan at ipakulong lahat na  involved sa scandal na yan," ayon sa Pangalawang Pangulo. 

Si VP Sara Duterte, ang nanguna sa isinagawang" Bring Him Home mass" dito sa Davao City para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nag-isang taon na sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) dahil sa alegasyong" crimes against humanity. " 

What's your reaction?

Facebook Conversations