HUWAG TIPIRIN ANG DEMOKRASYA — PANAWAGAN SA PAGTUTULOY NG BSKE
HUWAG TIPIRIN ANG DEMOKRASYA — PANAWAGAN SA PAGTUTULOY NG BSKE
Mariing kinuwestiyon ni Davao City First District Representative Paolo Duterte ang panukalang muling ipagpaliban o kanselahin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), kasunod ng mga usaping may kaugnayan sa pagtitipid ng pondo ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, iginiit ni Duterte na hindi luho ang halalan kundi karapatan ng bawat Pilipino na pumili at magpalit ng kanilang mga lider.

Ayon sa pahayag, hindi dapat ang halalan ang unang isakripisyo kapag naghahanap ng paraan upang mabawasan ang gastusin ng gobyerno. Anila, ang paulit-ulit na pagpapaliban ng eleksyon ay maaaring magresulta sa pagkawala ng boses ng mga mamamayan habang napapahaba naman ang termino ng mga nakaupong opisyal.

Binigyang-diin din ng Kongresista na ang kakulangan sa budget ay hindi dapat gawing dahilan upang isantabi ang karapatang bumoto, na tinawag na mahalagang “equalizer” sa pagitan ng ordinaryong mamamayan at mga makapangyarihang pulitiko.

Huwag ninyong tipirin ang demokrasya para protektahan ang mga pulitiko,” ayon sa pahayag ni Duterte. 

Sa halip na bawasan ang pondo para sa halalan, iminungkahi na hanapan ng savings ang mga gastusing hindi direktang napapakinabangan ng taumbayan, kabilang ang mga kuwestiyonableng proyekto at pondong umano’y maaaring napupunta sa mga kaalyado.

Binanggit din ng mambabatas ang flood control corruption controversy, na sinabing dapat tugunan sa halip na “likayan” habang pinag-uusapan ang pagtitipid ng pamahalaan.

Ang huling BSKE ay ginanap noong 2023, at muling nanawagan ang pahayag na maisagawa ang halalan sa itinakdang panahon sa halip na panibagong ipagpaliban.

Kapag inalis ninyo sa tao ang karapatang bumoto, hindi lang budget ang tinipid ninyo—boses ng sambayanan ang ninakawan ninyo,” dagdag na pahayag ni Duterte. 

Representative Paolo Duterte

What's your reaction?

Facebook Conversations