views
Iniulat ng kalihim ng Department of Health Francisco Duque 111 na patuloy pang gumaganda ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Sa kanyang ulat, sinabi ng kalihi na nasa 1,409 na mga bagong kaso ng COVID--19 ang naitala kamakalaw na siyang maituturing na pinaka-mababa sa buwang ito.
Anya, ang average na bilang ng COVID-19 mula November 3 hanggang November 9 ay nasa 2,068 na mas mababa ng 47% kumpara sa 3,883 noong October 7 hanggang November 2.
Ayon kay Duque, mas mababa na ito kumpara sa Peak o "rurok" ng mga kaso na naitala noong September 6, hanggang sept.12 na umabot na halos sa 22,000.
Ang Metro Manila at buong bansa ay nananatiling nasa low-risk sa COVID-19 at tanging ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Rehiyon dos o sa Cagayan Valley na lamang ang nananatiling nasa moderate risk.
Larawan:Francisco Duque 111 FB Page
Facebook Conversations