778
views
views
DAVAO CITY – Tiniyak ng Department of Health 11 (DOH 11) na wala pang nasasayang mga bakuna kontra COVID-19 sa buong Davao Region sa kabila ng vaccine hesitancy sa isang brand.
Sa panayam kay DOH 11 assistant regional director Dr. Lenny Joy Rivera, sinabi nito naiturok ang lahat ng brand ng bakuna na ibinigay nila sa lahat ng local government units sa rehiyon.
Ayon kay Rivera na may ilang lugar na gusto ng mga tao ang brand ng bakuna na ibinibigay sa kanila.
Sinabi ng opisyal na kung may mga tao na ayaw sa nasabing brand ay ibibigay ito agad sa iba na gustong mabakunahan.
Isa sa nabanggit nito ang Chinese brand na Sinovac kung saan karamihan umano sa pamilya ng mga medical frontliners ay gusto ang nasabing brand.
Sa pinakahuling datos ng DOH-11, nasa 2, 221, 909 na mga indibidwal na sa buong rehiyon ang naturukan ng unang dose ng bakuna habang nasa 1, 721, 950 naman ang naka-kompleto na ng dalawang dose.
Facebook Conversations