views
Sa panayam ng Davao City Disaster Radio kay COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, sinabi nito na makikipag-usap pa rin ang pamahalaang lungsod sa mga grupo na ayaw magpabakuna upang ipaintindi ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya.
Paliwanag ni Schlosser na kung pagbabasehan ang kanilang datos kakaunting porsyento lang na mga tao sa lungsod ang may ayaw sa bakuna dahil sa maling paniniwala bunsod ng pagkalat pekeng impormasyon.
Paglalahad ng opisyal na sa pinakahuling datos nasa lampas 80 porsyento na sa 1.2 million ang nabakunahan ng first dose at nasa 70 porsyento na rin sa nasabing bilang naka-kompleto ng pangalawang dose.
Pero, kinakailangan pa rin umano na matanggap ng mga Dabawenyo ang kahalagahan ng bakuna upang masimulan na ang pagbangon lalo na ang ekonomiya na lubhang apektado ng pandemya.
Dagdag nito na kahit hindi nakuha ang target sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan, positibo pa rin ang lokal na pamahalaan na makompleto ang 1.2 million na mga tao na mabakunahan kahit unang dose, bago pa man matapos ang taon.
Facebook Conversations