
views
Ayon kay Mussolini Sinsuat Lidasan, dating Commissioner at miyembro ng Parliament, ang hindi pagdalo ni Murad sa seremonya ay sumasalamin sa kasalukuyang paninindigan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa usapin ng pagpapalit ng liderato sa BARMM.
Binigyang-diin ni Lidasan na lubos na pinahahalagahan ng mga moro ang dangal at dignidad, na tinatawag nilang “maratabat”. Dahil dito, hindi maikakaila ang naging puwang o kakulangan sa proseso ng pagpapatupad ng liderato sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Bagaman may mabuting layunin ang nasabing pagbabago, iginiit ni Lidasan na mahalagang suriin nang mabuti ang konkretong epekto nito sa Bangsamoro.
Marso 12 nang manumpa ang bagong itinalagang ICM na si Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua sa harap mismo ni Pang. Ferdinand Marcos Junior. Sinundan ito ng Oath Taking Ceremony ng mga bagong Members of the Parliament na pinangunahan ni Presidential Peace Adviser na si Carlito Galvez sa isang hotel sa Maynila.
Kasabay naman ng pormal na pag-upo ni Macacua sa dating opisina ni Murad ay ang press conference ni MILF Peace Panel Chairman Mohagher Iqbal nitong nakaraang Huwebes. Isa sa mga nabanggit sa media ay ang kontrobersyal nilang pahayag hinggil sa pagtalaga ni Marcos kay Macacua, sa kabila ng mga apela laban dito.
Tumanggi rin si Murad sa offer ni Marcos na maging miyembro ng BTA kaya hindi rin sya kasali sa mga opisyal na muling tumulak pa-maynila para sa kanilang Take 2 Oath Taking Ceremony sa Malacanang Palace. Present sa pagtitipon si Galvez at si Special Assistant to the President na si Anton Lagdameo.
Una nang sinabi ng dating defense Secretary na si Norberto Gonzales na may instability ngayon sa rehiyon dahil hindi sinunod ng administrasyon ang napagkasunduan ng gobyerno at ng MILF-MNLF.

Facebook Conversations