
views
Sa isanagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing sa The Royal Mandaya Hotel, inilahad ni PRO 11 spokesperson Maj. Eudisan Gultiano na bahagi ito ng kanilang kampanya laban sa fake news at misinformation na pinapakalat sa social media.
Ayon kay Gultiano na talamak ngayon ang ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media lalo na ang tungkol sa kidnapping, robbery at anumang krimen na lumalabas na peke at gawa-gawa lang ng ilang netizens.
Paliwanag ng opisyal maaring maharap sa kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o Unlawful use of means of publication and unlawful utterances kung saan makukulong ito ng hanggang anim na buwan o maaring tataas pa dahil sa probisyon sa ilalim ng Anti-Cybercrime Law at multa ng hanggang P200,000.
Inihayag din ni Gultiano na pormal sinampahan ng kaso ng kapulisan sa piskalya nitong nakaraang Martes, ang 18 anyos na estudyante na kinilalang si Charles Luzada dahil sa pagpapakalat nito ng impormasyon na di umano'y mayroong insidente ng pandurukot at holdapan sa Davao City na hindi naman talaga nangyari.

Facebook Conversations