4 ALEGASYONG 'FIXERS' SA LTO-DAVAO ARESTADO
4 ALEGASYONG 'FIXERS' SA LTO-DAVAO ARESTADO
Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) 11 ang apat na indibidwal sa inilunsad na high-profile entrapment operation sa labas ng Regional Office ng Land Transportation Office (LTO) sa Quimpo Boulevard, Davao City Lunes ng umaga, Abril 20, 2026.

Batay sa pahayag ng Assistant Regional Director ng NBI 11 Gerald Intes ang operasyon ikinasa alas 11 ng umaga na nagresulta ng pagkahuli ng apat na indibidwal-2 lalaki at 2 babae.

Ayon kay Intes, kanilang isinagawa ang operasyon dahil sa formal request ng LTO 11 director Attorney Raphael Robillo upang masawata ang fixers sa kanilang ahensya.

Ang apat ay naaresto sa magkahiwalay na establisemento na EZ Auto Driving Academy at Blessed Pedro Calungsod Medical Laboratory.

Ang apat ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11032 o a Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 (amending the Anti-Red Tape Act of 2007).

Samantala, kinumpirma ni Intes na ang kanilang ahensya ay binigyan ng otoridad ng NBI na imbestigahan ang mga LTO personnel kabilang ang mga opisyal at rank-and-file employees nito na kasabwat nang mga fixers.

📷 Sammy Baug/Radyo Rapido

What's your reaction?

Facebook Conversations