views
2 SUSPEK SA DAVAO GADGET ROBBERY, ARESTADO SA ILIGAN CHECKPOINT
Dalawang suspek sa isang robbery incident sa Davao City ang naaresto sa Iligan City matapos ang hot pursuit operation ng mga awtoridad.
Nahuli ang dalawa sa isang checkpoint sa Barangay Suarez.
Allas-10 ng gabi Hulyo 1, matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sangkot umano sa robbery incident sa isang gadget store sa Toril, Davao City.
Nahuli ang mga suspek sa Suarez Border Control Point checkpoint sa Barangay Suarez, Iligan City sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng Toril Police Station at mga police units sa Iligan.
Kinilala ang mga nahuli na sina alyas "Isah", babae, 37-anyos, residente ng Di Daan, Raman, Marawi City; at si alyas "Kal", lalaki, 33-anyos, residente ng Di Daan, Raman, Marawi City.
Agad namang dinala ang dalawang suspek sa kustodiya ng Toril Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad para sa mabilis na pagtugis at pag-aresto sa mga sangkot sa kriminalidad.
via PCADG Northern Mindanao
Facebook Conversations