๐—Ÿacson laban sa katiwalian
๐—Ÿacson laban sa katiwalian
Mananatiling malaking bahagi ng legislative agenda ni dating Senador at senatorial candidate Panfilo "Ping" M. Lacson ang pagtapos sa katiwalian at pagsulong ng mabuting pamamahala, kung sakaling manalo siya sa pagkasenador ngayong Mayo.

Iginiit ito ni Lacson nitong Martes sa isang roundtable discussion sa Baguio City  tungkol sa good governance dito, na dinaluhan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ng mga dalubhasa at mga ayaw sa katiwalian.

Nilalabanan ni Lacson ang korapsyon bilang alagad ng batas at mambabatas - mula sa pagtanggi ng suhol galing sa sindikato hanggang sa pagbuwag ng mga "kotong cops" at sa pagtanggi ng "pork" sa Senado.

Bilang senador, binuking na rin niya ang mga katiwalian tulad ng smuggling, at naging dahilan ng mga imbestigasyon sa mga kontrobersiya na sangkot ang opisyal o ahensya ng gobyerno.

Idiniin muli ni Lacson na ang mga pinunong pinagkatiwalaan ng taumbayan ay may mandatong protektahan ang mahihina mula sa kasakiman at abuso ng iba, kabilang ang mga mambabaluktot ng kanilang mandato.

Kabilang sa mga dumalo sa forum ay sina San Beda University College of Law dean Atty. Marciano Delson; at Atty. Lyndon Rom David ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (NCPAG) GRIT Labs.

Dumalo rin sa forum ang mga kinatawan ng mga sektor tulad ng kabataan, NGO, kalakal, civil servants, transport, academe at turismo.

What's your reaction?

Facebook Conversations