PRO 11, naka-alerto ngayong kapaskohan
PRO 11, naka-alerto ngayong kapaskohan
DAVAO CITY –Naka-alerto na ang Police Regional Office 11 (PRO 11) sa kanilang seguridad na ipapatupad sa buong Davao Region para sa nalalapit na kapaskohan.

Sa panayam kay PRO 11 spokesperson Maj. Eudisan Gultiano, sinabi nito na pinaigting na nila ang deployment ng mga pulis sa iba't-ibang rehiyon para magsagawa ng patrolya.


Ayon kay Gultiano na susuyurin ng kapulisan ang lahat ng mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga tao lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. 


Babantayan din kapulisan ang lahat ng simbahan ngayong papalapit na rin ang simbang gabi para masiguro ang pagpapatupad ng health protocols gaya nh physical distancing. 


Dagdag ni Gultiano na hindi pa rin nila tinatanggal ang boarder security checkpoints kahit pa naluwagan na ang restrictions sa pagpasok sa rehiyon dahil para rin ito sa posibleng banta ng terorismo. 

Larawan kuha ni Armando Fenequito 

What's your reaction?

Facebook Conversations