Pilipinas, posibleng muling ipailalim sa alert level-3 o level-4 dahil sa tumaas na kaso ng COVID-19
Pilipinas, posibleng muling ipailalim sa alert level-3 o level-4 dahil sa tumaas na kaso ng COVID-19
Mayroon umanong posibilidad na muling mailagay ang Pilipinas sa COVID-19 alert level-3 o level-4.

Ito ang naging pananaw ni Dr. Ted Herbosa, Special Adviser  ng NTF-Against COVID-19 sa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso ng virus at inaasahang pagpalo sa  dalawang libo ang mga kaso ng COVID-19 ngayong araw ng Biyernes.

Ayon kay Herbosa, malabo pa umanong maibaba sa alert level-1 ang buong bansa sa kasalukuyan lalo pa’t marami na sa mga Pilipino ngayon ang tila nakalimot na sa minimum health standards, kaya't muling tumaas ang mga kaso ng COVID-19.

Bukod pa sa  holiday season ngayon na kung saan bukas na ang mga kainan, at malaya na ring makapag-party at makapag-reunion ang  mga tao.

Muling nagpaalala ang nasabing eksperto na maaari pa ring makapang-hawa at  mahawaan ng COVID-19 kahit ang mga nabakunahan na.

Kini ang sitwasyon sa Bankerohan Public Market niadtong milabayng bisperas sa pasko. Hulagway gikan kang Ryan Ang

What's your reaction?

Facebook Conversations