views
Sa isang panayam, inihayag ni PRO 11 Regional Director Brig. Gen. Filmore Escobal na kapag naisabatas ang nasabing programa, magtutuloy-tuloy pa rin ang mga serbisyong ibinibigay ng gobyerno lalo na sa mga kumunidad na nasa tinatawag na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) .
Ayon kay Escobal na ang mga GIDA area ang madalas pinamumugaran ng mga NPA dahil hindi ito naabot ng serbisyo ng gobyerno bunsod ng malayong distansya nito mula sa sentro ng isang bayan o lungsod.
Kaya, sinasamantala ito ng mga armado at kinukumbinse para mag-aklas laban sa gobyerno dahil wala naman talagang serbisyo na dumadating.
Dagdag ng opisyal na kapag tuloy-tuloy ang nasabing programa matutugunan na nito ang problema sa insurhensiya pati na ang kaayusan sa mga kanayunan.
Tumutulong ang PRO 11 sa nasabing kampanya ng gobyerno kontra insurhensiya sa pamamagitan ng pag-deploy ng kapulisan sa GIDA areas sa ilalim ng programang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB).
Facebook Conversations