views
Nitong Huwebes ng umaga ( Marso 17, 2022), nagsimula na silang mag-cater sa SM City Davao sa pag-proseso ng vaccination certificate para sa mga tao.
Sa panayam ng Davao City Disaster Radio, sinabi ni Davao City COVID-19 Vaccination Cluster Head Dr. Josephine Villafuerte na tatlong malls sa lungsod ang magbibigay ng vaccination certificate para sa gustong makakuha nito.
Ayon kay Villafuerte sinimulan nilang buksan ang VaxCertPH booth sa Abreeza Mall kahapon at sinundan ito ngayon ng SM Lanang at SM City Davao.
Paliwanag ng opisyal na sa mga gustong kumuha ng nasabing sertipikasyon, dalhin lang nila ang vaccination card at valid identification cards na may middle name at date of birth bilang basehan ng kanilang records.
Kuha ni Armando Fenequito Jr
Facebook Conversations